Ang bagong ordinario ng Santa Misa
Unang bahagi ng Santa Misa
Pambungad na awit
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amén.
Ang biyayà ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyós at ang liwanag ng Espiritu Santo ay sumainyóng lahát.
At sumaiyó rin.
Mga kapatíd, pagsisíhan ang ating mga kasalánan upang maging marapat tayo sa pagdiriwang ng mga banál na misteryo.
Akó'y nagkukumpisál sa Diyós na makapángyaríhan at sa inyo,
mga kapatid, sapagká't lubhâ akóng nagkasalà sa ísip, sa wikà at sa gawâ, at sa aking pagkukúlang:
dahil sa aking salà, sa aking salà, sa aking pinakamalakíng salà.
Kayá isinasamo ko kay Santa Maríang laging Birhen, sa lahát ng mgá anghel at mgá santo, at sa inyó mgá kapatíd, na akó'y ipanalangin sa ating Panginoóng Diyós.
Kaawaan tayo ng makapángyaríhang Diyós, patawarin ang ating mgá kasalánan at patnubáyan tayo sa búhay na waláng hanggán.
Kyrie
Panginoón, maawa ka.
Panginoón, maawa ka.
Kristo, maawa ka.
Kristo, maawa ka.
Panginoón, maawa ka.
Panginoón, maawa ka.
Gloria
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa'y kapayapaan
sa mgá taong may mabuting kaloóban.
Pinupuri ka namin. Dinárangál ka namin.
Sinásambá ka namin. Nilúluwalháti ka namin.
Pinasásalamátan ka namin dahil sa dakila mong kaluwálhatían.
Panginoóng Diyós, hari ng langit,
Diyos Amang makapangyaríhan sa lahát.
Panginoóng Hesukrísto, Bugtong na Anák.
Panginoóng Diyós, Kordéro ng Diyós, Anák ng Amá.
Ikaw na nag-aalis ng mgá kasalanan ng sánlibután,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mgá kasalanan ng sánlibután,
tanggapín mo ang aming kahilingan.
Ikáw na nalúluklok sa kanan ng Amá, maawa ka sa amin.
Sapagká't ikáw lamang ang banál.
Ikáw lamang ang Panginoón.
Ikáw lamang, o Hesukrísto, ang kataástaásan,
kasama ng Espiritu Santo sa kalúwalhatían ng Diyós Amá.
Amén.
Pambungad na panalangin
Liturhiya ng salita ng Diyos
Unang Basahin
Salmo Responsoriyo
Ikalawang Basahin
Aleluya
Ebangheliyo
Sumainyó ang Panginoón.
At sumaiyó rin.
Pabasa sa Banál na Ebanghélyo ayon Kay ....
Luwalhati sa iyó, Panginoón.
Itó ang mgá salitâ ng Diyós.
Purihin ka, O Kristo.
Homiliya
Credo/Pananampalataya
Sumasampalataya ako sa iisang Diyos,
Amang makapangyayari sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa,
ng lahat ng nakikita at di nakikita.
At sa iisang Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos.
Nagmumula sa Ama
bago pa nagsimula ang panahon.
Diyos buhat sa Diyos,
liwanag buhat sa liwanag,
Diyos na totoo
buhat sa Diyos na totoo.
Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama:
na sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat.
Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasan
ay nanaog buhat sa langit.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo
kay Mariang Birhen at naging tao.
Ipinako sa krus dahil sa atin,
nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan ni Poncio Pilato,
namatay at inilibing.
At muling nabuhay sa ikatlong araw,
ayon sa Kasulatan.
Umakyat sa langit:
naluluklok sa kanan ng Ama.
At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhay at mga patay:
na ang kaharian niya'y walang hanggan.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,
Panginoon at nagbibigay buhay:
na nanggagaling sa Ama at sa Anak:
na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak:
na nagsalita sa pamamagitan ng mga Propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang Iglesyang banal,
katolika at apostolika.
At sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang muling pagkabuhay
ng nangamatay at ang buhay na walang hanggan.
Amen.
Panalangin ng Bayan
Liturhiya ng Eukaristiya
Puríhin ka, O Panginoóng Diyós ng lahát ng kinapál,
sapagká't sa iyóng kabutíhan
ay tinanggáp namin ang tinápay na iniaálay sa iyó,
na galing sa lupà at pinágpagúran ng táo,
upang magíng tinápay na magdudulot sa amin
ng búhay na waláng hanggán.
Purihin at ipagdangál ang Diyós magpakailan man.
Puríhin ka, O Panginoóng Diyós ng lahat ng kinapál,
sapagká't sa iyóng kabutíhan
ay tinanggáp namin ang alak na iniaalay sa iyó,
na galing sa punong-ubas at pinágpagúran ng tao,
upang maging inumin ng aming kaluluwa.
Purihin at ipagdangál ang Diyós magpakailan man.
Manalángin kayó, mgá kapatíd,
upang itóng ating sakripisiyo
ay magíng kalugúd-lugód sa Diyós Amáng makapángyaríhan.
Tánggapín nawâ ng Panginoón
itóng sakripisiyo sa iyóng mga kamáy
sa kapurihán niya at karangálan,
sa ating ikagágalíng at ng buó niyang Iglésyang banál.
Panalangin sa mga Handog
Panalanging Eukaristiko
Sumainyo ang Panginoon.
At sumaiyo rin.
Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Itinaas na namin sa Panginoon.
Pasalamatan natin ang Panginoon nating Diyos.
Marapat at matuwid.
...
Santo, Santo, Santong Panginoong Diyos na makapangyarihan.
Napupuno ang lángit at lupà ng kaluwalhatian mo.
Osána sa kaitaasan.
Pinagpalà ang napariríto sa ngalan ng Panginoon.
Osána sa kaitaasan.
...
Ipagdangál nátin ang sakramento ng ating pananámpalatáya.
Si Kristo'y namatay,
si Kristo'y nabuhay
si Kristo'y babalik sa wakas ng panahon.
...
Amén.
Ang pagbibigay ng Komunyon
Sa tagubílin ng mgá nakagagalíng na utos at turò ng mabathálang aral, buong pag-ibig nating dasalín:
Amá namin, sumásalangit ka,
sambahin ang ngalan mo,
mápasá amin ang kaharian mo.
Sundín ang loob mo dito sa lupà
para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala.
Para nang pagpapatáwad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kamíng ipahintúlot sa tuksó.
At iadyâ mo kami sa lahat ng masamâ.
Hinihilíng namin, O Panginoón,
na iligtás mo kamí sa lahát ng masamâ,
pagkaloóban kamí ng kapayapaán sa aming kapanahúnan,
upang sa tulong ng iyóng awà
ay lagì kamíng maligtas sa kasalánan
at malayô sa lahát ng ligalig,
samantálang hiníhintáy namin ang masayáng pagbabalik
ni Hesukristong aming Manunubos.
Sapagkat sa iyó'y nagmumulâ ang kaharián,
ang kapangyaríhan at kaluwalhatían
mágpasawaláng hanggán.
O Panginoón Hesukristo, sinábi mo sa iyóng mgá apostól: Kapayapaán ang iniíwan ko sa inyo,
ipinagkákaloób ko sa inyó ang aking kapayapaán.
Huwag mo sanang isaálang-álang ang aming mgá pagkakasálà, kundî ang pananámpalataya ng iyóng Iglesya.
Pagkaloóban mo siya ng kapayapaán
at pagkakáisa ayon sa ikasisiyá ng iyong kaloóban.
Nabubúhay ka't naghaharì magpasawaláng hanggán.
Amén.
Ang kapayapaán ng Panginoón ay laging sumainyó.
At sumaiyó rin.
Agnus Dei
Kordéro ng Diyos, na nag-áalís ng mga kasalánan ng sánlibután: maáwa ka sa amin.
Kordéro ng Diyos, na nag-áalís ng mga kasalánan ng sánlibután:
maáwa ka sa amin.
Kordéro ng Diyos, na nag-áalís ng mga kasalánan ng sánlibután: ipágkaloób mo sa amin ang kapayapáan.
Naritó ang Kordéro ng Diyos,
naritó siyang nag-áalís ng mga kasalánan ng sánlibután:
Mapapálad ang mgá tinatáwag sa pigíng ng Kordéro.
Panginoón, hindî akó karapát-dapat na mágpatulóy sa iyó,
nguni't sa isáng salitâ mo lamang ay gágalíng na akó.
Katawán ni Kristo.
Amén.
Panalangin pagkatapos ng Komunyon
Katapusang pagbati
Sumainyó ang Panginoón.
At sumaiyó rin.
Pagpaláin kayó ng makapángyaríhan Diyos,
Amá, Anák + at Espíritu Santo.
Amén.
Tapós na ang Misa, humáyo kayóng mapayápà.
Salámat sa Diyos.